Nagpunta ako sa Tronix noong Lunes sa SM Southmall, April 1, kasi kailangan kong makapag-papicture dahil requirement yun sa pagpaparenew ko ng lisensya.
Passport Sized ID, 6 pieces, 60 pesos
Mabilis lang yung serbisyo kasi maaga akong dumating at kakaunti pa lang yung customers.
Nagbayad ako ng 100 pesos. Hindi ako agad nasuklian. Ang sabi mamaya na lang daw ibibigay. Umupo ako at naghintay. Tinawag na yung pangalan ko at pinapunta ako sa Studio 1.
MISS: White background po ba?
ANYD: A oo. (Kahit hindi ko alam kung ano ang background dahil hindi naman yun nakalagay sa website ng PRC. Basta ang sabi, Passport ID)
MISS: Para saan po ang Passport ID ninyo, sa passport po ba?
ANYD: A hindi. Sa PRC. Requirement kasi.
MISS: Ano po ba kayo, nurse? teacher?
ANYD: Teacher.
MISS: Ay ma'am, kung sa PRC po, dapat po may name tag.
ANYD: Kahit renewal lang? Wala kasing nakalagay dun sa website ng PRC.
MISS: Opo, kailangan po yun kasi ganun din po yung pinapagawa ng mga nagpapapicture po rito. Mahirap na po, baka ireject yung picture ninyo.
ANYD: Puwede bang kalahati meron, tapos kalahati wala? :p
MISS: Ay ma'am hindi po pwede e. :)
ANYD: A sige, palagyan na lang ng name tag.
MISS: Sige po, pakisulat na lang po ng pangalan ninyo mamaya.
*KUHA NG PICTURE, TWO SHOTS*
MISS: Ma'am pili po kayo rito. Ito po bang una o yung pangalawa?
ANYD: *Tingin sa pictures* Kahit ano na lang diyan.
Wala namang pinagkaiba yung mga litrato. Hindi naman kasi ako gumalaw. Wahaha!
MISS: Sige po ma'am. Yung una na lang po. Pakisulat na lang po yung full name ninyo rito.
ANYD: *Sulat ng full name sa resibo* 10 minutes lang ba iyan?
MISS: 10 to 15 minutes po ma'am.
ANYD: Sige, thank you. :)
*WHILE WAITING...
Ilang minuto rin yung hinintay ko. Hindi ko na inorasan. Haha! Hanggang sa... Nakikita ko na yung picture ko na ginugupit nung isang miss na nasa counter. Mukhang bagong dating yung babae. Pagkatapos, yung miss nagtawag while holding a paper na pinaglagyan ng pictures ko.
MISS SA COUNTER: Ma'am Marie! Ma'am Marie!
ANYD: *Sa isip* What the?! Bakit ako tinatawag na "Marie" nito?
Marie is my third name. Sa tinagal kong nabuhay sa mundong ito, walang tumatawag sa akin ng ganun. Nahirapan siguro siyang ipronounce yung first two names ko. Nilapitan ko ang miss.
MISS SA COUNTER: Ito na po ang picture ninyo. :)
ANYD: *Kuha ng picture* Ay miss may sukli pa po ako.
MISS SA COUNTER: *Kinalabit ang kasama* May sukli pa raw si Ma'am Marie.
Hanggang sa... Naibigay na ang sukli ko. Sinilip ko ang picture.
ANYD: *Sa isip* Bakit ang puti ko rito? (Wahaha!)
At paglabas ko sa Tronix, naalibadbaran ako... Sa pagtawag sa akin ng Ma'am Marie. Wahaha!
Pages
No to Plagiarism!
ANYD's NOTE:
It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.
Wednesday, April 3, 2013
Sa Mata ng Isang... Di ko alam kung Writer
Ang laki naman ng smile ko nang mapadaan ako sa tristancafe
forum kani-kanina lang.
Nagbukas ako ng isang post doon sa Poetry and Short Stories,
and to my surprise, nakita ko yung sinulat ng isang “budding writer”.
“Nainspire po kasi ako ni anyd yung author ng Papatayin
Kita!* kaya I've tried doing my own story...
Basahin niyo po ahh... This would be my first time tulungan
niyo po akong i-improve yung story by suggesting what would happen next...
THANKS....”
*(Papatayin Kita… Mamaya! yung complete title.)
2006 nang sumali ako sa tambayan na yun. 2007 nang magsimula
akong mag-post ng story ko na hindi ko alam kung papatok ba o lalangawin lang.
Sa kabutihang palad, pumatok naman kaya ginanahan ako. Maraming tumulong sa
akin para mag-improve (kahit papaano). Hindi ko makalilimutan si Kuya Jet
(jetstream) na isa sa mga pumuna at nagturo sa akin kung paano ayusin ang
paraan ng pagsusulat ko. Masaya at makulay ang Poetry and Short Stories ng
tristancafe (Poetry and Fiction pa noon) pero sa paglipas ng panahon ay nawala
isa-isa ang mga manunulat na nagbibigay-buhay sa website na iyon. Yung iba
nauna sa akin. Yung iba kasabayan ko. Yung iba, ibang henerasyon na at di ko na
gaanong kilala. Nag-po-post pa rin ako doon pag may oras ako. Nag-po-post ako
kahit na yung libong views noon ay naging daan na lang ngayon. Yung daang comments
noon ay swerte na lang kung aabot pa ng sampu ngayon.
Nagsusulat ako ng mga tula noong nasa Elementary ako.
Nagsimula akong gumawa ng kuwento noong nasa High School ako. Gumawa ako ng mas
mahabang kuwento noong tumungtong ako ng College. Estudyante pa lang ako noon.
Marami akong nasa isip. Halos nadadagdagan araw-araw. Sa dami ng naiisip ko,
dumami na rin yung kuwentong inumpisahan ko pero di ko natapos.
Gumawa ako ng blog nang pansamantalang mawala ang
tristancafe. Existing pa rin yun hanggang ngayon, pero hindi ko na nalalagyan
ng laman. Mahirap din kasi. Nagtatrabaho na ako, nag-aaral uli, at nagsusulat
din. Nag-register ako sa wattpad, pero tamad akong bumisita. Napadpad ako sa
Stories of Your Life dahil may nangyari in the past. Isang taon na rin pala
akong tambay sa FB page na yun. Sobrang laking tulong talaga ng mga sites na
nabanggit ko.
Ano ba ang napapala ko rito? Hindi naman ako kumikita. Kahit
na maraming beses ninais ko na sana napagkakakitaan ko itong pagsusulat na ito
para makatulong man lang ako sa pag-aaral ng mga kapatid ko, pambayad ng
tuition ko, o sa pangangailangan ng pamilya ko.
Hindi ako sumubok na magpasa sa publisher o gawing
pangkabuhayan ito, ni hindi ako sumasali sa school paper kasi wala namang akong
kumpyansa o walang pagkakataon o wala naman talaga sa isip ko. Hindi naman kasi
ako professional writer. Nangangarap lang ako. At yun siguro yun yung napapala
ko. Yung natutupad ko yung pangarap ko. Ang gusto ko lang naman ay makapagsulat
nang walang limitasyon, walang hinahabol na deadline, walang pressure, at yung
may magbasa nung gawa ko. Yun lang! Yung pangarap na may mapulot man lang yung
mga nagbabasa sa sinulat ko na minsan hindi ko rin mapaniwalaang naisulat ko
pag sinusubukan kong basahin uli yung mga sinulat ko. Yung maalala man lang
nila yung pamagat, o yung pangalan ng tauhan at ilang bahagi ng kuwento. Yun
lang naman.
At ito nga siguro yung dahilan kung bakit nagsusulat pa ako,
kahit na yung iba ay pinanghinaan na ng loob. Kahit na sinasabi nilang wala
naman daw kinikita sa pagsusulat, gaya ng pagsabi nilang hindi ko ikayayaman
ang pagiging isang guro. Ito lang naman siguro yung dahilan… Yung maka-inspire
ka ng tao para magsulat din sila, makapagpasaya sa pamamagitan ng pagbabasa,
madala mo sila pansamantala sa mundong malayung-malayo sa mundong ginagalawan
nila ngayon.
Maaari isa ka sa mga nakapagbasa ng (mga) sinulat ko. Isa ka
sa mga natuwa, umiyak, nagalit, nainis, nabitin, at kung anu-ano pa. Kung isa
ka man dun, maraming-maraming salamat dahil patuloy kang naniniwala sa
kakayahan ko.
Maaaring nagbabasa ka lang ngayon. Maaring isa ka lang sa
mga humahanga sa mga gawa nung paborito mong writer. Pero malay mo di ba, sa
hinaharap, isa ka na sa mga sikat na manunulat sa Pilipinas. Kaya ikaw, huwag
kang magsawang mangarap. Sulat lang nang sulat! ^_^
~anyD
04.03.13
12:57 a.m.
Subscribe to:
Posts (Atom)