No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, January 29, 2012

Yung nakawan sa SM Bacoor

Kakagulat naman yun...

Minsan na lang nga ako magawi sa SM Bacoor e may ganoon pang happening.

Kanina kasi, habang masayang-masaya kami sa pamamasyal ni Mother at ni Pated e bigla na lang kaming may narinig na sigaw.

"Hoy!"

Tapos out of nowhere, may isang lalaking lumitaw na mabilis na tumatakbo. Actually nadaanan niya ako. As in. Sobrang lapit. As in kaunting galaw niya pa siguro sa kaliwa e magtatama na kami. Ganun kalapit.

Shocked naman ang lola mo dahil may ganung eksena. At ayun, sinundan iyon ng isang guard na humahabol. Siya pala yung sumigaw ng "Hoy!" In the end, hindi na niya hinabol. Mukhang nakatawag na siya sa mga kasamahan na may ganun ngang pangyayari. May nakita akong lalaking nagsasalita sa walkie-talkie. Ewan. Member yata ng security.  Hanggang sa nakita ko ring hinawi ng lalaking tumatakbo ang mga tao nang pababa siya sa escalator. Nagmamadali. So in short, ang lalaking mabilis na tumatakbo e MAGNANAKAW.

Kung saang stall siya nagnakaw, ewan. Kung anong ninakaw niya, ewan din. Tiningnan ko ang lahat ng tao sa paligid ko. Lahat sila confused.

Naisip ko nga... siguro kung nabangga ako ng magnanakaw na yun, malamang may chance pa si Kuya Guard na mahuli siya. Dahil kung mababangga ako ng lalaking yun e matitigilan siya. Pero kung sakali mang mabangga niya ako e baka may di maganda pang mangyari sa akin. Wag naman.  T_T

Kaya thankful pa rin dahil walang masamang nangyari sa amin. Pero iniisip pa rin namin hanggang sa pag-uwi yung eksenang yun. Dahil gaya nga ng sabi ko, minsan lang kaming magawi sa SM Bacoor e ganun pa yung nangyari.

Ang dami na talagang masamang loob sa panahon ngayon kaya kailangan ng sobrang pag-iingat. Thankful ako kasi bago ako umalis ng bahay e nanghingi ako ng guidance kay Lord na sana e gabayan niya kami sa pag-alis. Ganun naman talaga ako pag umaalis. Hindi naman nagmimintis sa pagsagot ng prayers ko. Salamat talaga.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly