No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, January 29, 2012

Yung nakawan sa SM Bacoor

Kakagulat naman yun...

Minsan na lang nga ako magawi sa SM Bacoor e may ganoon pang happening.

Kanina kasi, habang masayang-masaya kami sa pamamasyal ni Mother at ni Pated e bigla na lang kaming may narinig na sigaw.

"Hoy!"

Tapos out of nowhere, may isang lalaking lumitaw na mabilis na tumatakbo. Actually nadaanan niya ako. As in. Sobrang lapit. As in kaunting galaw niya pa siguro sa kaliwa e magtatama na kami. Ganun kalapit.

Shocked naman ang lola mo dahil may ganung eksena. At ayun, sinundan iyon ng isang guard na humahabol. Siya pala yung sumigaw ng "Hoy!" In the end, hindi na niya hinabol. Mukhang nakatawag na siya sa mga kasamahan na may ganun ngang pangyayari. May nakita akong lalaking nagsasalita sa walkie-talkie. Ewan. Member yata ng security.  Hanggang sa nakita ko ring hinawi ng lalaking tumatakbo ang mga tao nang pababa siya sa escalator. Nagmamadali. So in short, ang lalaking mabilis na tumatakbo e MAGNANAKAW.

Kung saang stall siya nagnakaw, ewan. Kung anong ninakaw niya, ewan din. Tiningnan ko ang lahat ng tao sa paligid ko. Lahat sila confused.

Naisip ko nga... siguro kung nabangga ako ng magnanakaw na yun, malamang may chance pa si Kuya Guard na mahuli siya. Dahil kung mababangga ako ng lalaking yun e matitigilan siya. Pero kung sakali mang mabangga niya ako e baka may di maganda pang mangyari sa akin. Wag naman.  T_T

Kaya thankful pa rin dahil walang masamang nangyari sa amin. Pero iniisip pa rin namin hanggang sa pag-uwi yung eksenang yun. Dahil gaya nga ng sabi ko, minsan lang kaming magawi sa SM Bacoor e ganun pa yung nangyari.

Ang dami na talagang masamang loob sa panahon ngayon kaya kailangan ng sobrang pag-iingat. Thankful ako kasi bago ako umalis ng bahay e nanghingi ako ng guidance kay Lord na sana e gabayan niya kami sa pag-alis. Ganun naman talaga ako pag umaalis. Hindi naman nagmimintis sa pagsagot ng prayers ko. Salamat talaga.

Friday, January 27, 2012

If only...

If only camera lenses could register what the eyes could see, we probably would have produced the best pictures ever.


_just a thought.


Image and video hosting by TinyPic


hohoho. ansaya saya ng field trip kahapon. ^_^

wangyang Space Shuttle yan.

hilong-hilo ako.

LOL!

Gandang araw senyo!

Thursday, January 19, 2012

nganga :O

Eksena: Nasa kwarto, nasa harap ng lap top, then suddenly nakaramdam ng gutom.

Text kay Ken.

Gutom na ako.


Bumaba ako.


Tingin sa rice cooker. Walang kanin. Disappointed.

Tingin sa lamesa. Puro hugasan, mga nakatakip na platong wala naman palang laman. Disappointed.

Tingin sa green eco-bag (lalagyan ng pinamili nina mama at kuya noong isang araw). Nakakita ng maliit na lata ng condensada, dalawang pack ng coconut milk. Disappointed.

Tingin sa isang paper bag. Puro zonrox at sabon-sabon. Disappointed (lalo).

Tingin sa ref. Walang ibang naroon kundi mga pitsel at raw meat. Walang biskwit. Walang machicha. Walang kahit na ano! Disappointed (to the max).


Text kay Ken.

Nganga! Walang food. Itutulog ko na lang itong kagutuman ko!

Tuesday, January 17, 2012

Kei's Art

Image and video hosting by TinyPic


KEN: Mahal, drinowing kita. (Ipinakita ang drawing sa'kin)

ANYD: Ako ba ito?

KEN: Oo, ikaw yan. :)

ANYD: Paano naman magiging ako ito? (Tingin sa drawing, nagtaray) Unang-una, hindi ako nagsusuot ng ganyang ribbon sa buhok. Pangalawa, mas mahaba pa riyan ang buhok ko. Pangatlo, hindi ako nagsusuot ng spaghetti strap. Saka, mas makapal yung kilay ko kaysa riyan.

KEN: Ikaw naman talaga iyan e, tingnan mo, pareho kayo ng smile.

ANYD: Hindi ako ito.

KEN: (sad face) Ayoko na nga mag-drawing. :(

ANYD: Baka naman ibang babae ito?

KEN: Ikaw naman talaga iyan e. Ikaw kasi yung iniisip ko habang dinodrawing ko iyan...

*SILENCE*

ANYD: Akin na nga, ii-scan ko. ^_^

Tuesday, January 10, 2012

Ganito pala yung 24 hours...

...ng PLDT. o_O


Sobra, di lang nakapagbayad agad, putol agad net connection?

Syadong mautak to si PLDT DSL... Good payer naman nanay ko e. Nataon lang talaga na tinamad siyang magbayad. *ROFL*

Tapos nung day na nagbayad siya... e dun naputol yung net connection... Tapos kailangan niya pang tumawag sa hotline na wala namang sumasagot. 0_0 Pa hotline-hotline pa, ang hirap naman kontakin! Naaliw na lang siya dun sa kakaibang tunog habang kinokonek ang tawag.

Tapos nung nakakonek na, ang sabi within 24 hours daw hintayin yung reconnection ng internet. Kaso jusmiyo naman... Inabot na ng tatlong araw. Ito ba yung 24 hours na sinasabi nila??? Three days! Pina-follow-up naman e. Kaso ewan, ang bagal umaksyon. Pag magputol ng connection, mabilis. Err.

Pero buti na lang may net na uli.  ^_^

Nakakaturta ng utak. Ang daming dapat gawin na hindi na nagawa, at mga taong di nakausap dahil nawalan ng internet. Wew!

Thursday, January 5, 2012

Yung mais na may sabaw...

Kanina habang naglalakad kami ni Ken... May nakita siyang something.

KEN: Uy! Ano yun?

Ako naman si clueless e nagtanong,

AKO: Alin?

Tapos yun pala, may manong na naglalako ng mais. Sumigaw siya,

KEN: Manong, pabili!

Huminto si manong at agad naman namin siyang nilapitan.

Natuwa naman ako kasi naghahanap ako nun kahapon pa. At nakabili kami ng mais.

Gaya ng sabi ko kahapon...


mais na butil-butil tapos may sabaw...


sabaw na kulay orange...


orange yung sabaw kasi may halong powdered cheese...


powdered cheese na sinamahan ng margarine...


margarine na dumikit na dun sa maliit na kutsara.

 ^_^

Hanggang sa nakauwi na nga ako at nagpaalam na kami sa isa't isa.

Tapos... sa kasarapan ko ng pagkain ng mais (malapit na ngang maubos e!), may nakita akong secret ingredient. *ROFL*

Yun pala ang secret kung bakit masarap.  ^_^

At hayun, nag-alburuto ang tiyan ko bigla. *mad*

Dahil yata yun sa secret ingredient.

Leshe!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Pero gusto ko pa ring kumain nun.  ^_^

At sorry nang sorry si Ken dahil sumakit ang tiyan ko. *ROFL*
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly