No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Thursday, December 29, 2011

Alam mo yung feeling...

...na napainom ka ng tubig dahil sa masamang panaginip?
***

Nung nakaraang araw e napatulog ako dun sa kwarto ng nanay ko.

Magkatabi kami tapos nakatulog din pala siya.

Pag gising niya, kagigising ko lang din.

Tapos nag kwento siya sa aming magkakapatid ng tungkol sa panaginip niya.

Sabi niya: "Alam ninyo nanaginip ako. Mayroon daw tayong baby dito sa bahay. Bunso daw natin yun."

Kinilabutan naman ako bigla kasi nanaginip din ako nun.

Ang panaginip ko naman e nagka baby daw ako.

Baby girl.

Syit! *mad*

***

Kanina natulog ako.

At nang matulog ako e nanaginip uli ako.

Meron daw akong inaalagaang baby.

Baby girl.

Pati daw nanay ko inaalagaan yung baby na yun.

Pinicturan ko pa raw yung baby.

Syit! *mad*

***

Ngayon iniisip ko kung bakit ako nananaginip ng ganun.

Ito ba ay senyales na maaga akong lalandi at majojontis kaagad?

Nai-stress tuloy ako.

Minsan pa naman nagkakatotoo yung mga panaginip ko.

***

Tapos kumakanta pa si BUNSO ng theme song ng Angelito: Batang Ama.

Pwahahaha!

Ayoko na.

Thursday, December 22, 2011

Nangangaroling daw?

Nabuwisit ako dun sa batang nangaroling sa amin noong Tuesday.  O_O

 Sa kasarapan ng panonood namin ni Bunso at Kenshin ng Slumdog Millionaire (dahil ngayong taon lang ako nakaisip na bumili ng CD nun), e may nangaroling sa amin. Usually naman may nangangaroling pag gabi. Well anyway dahil busy nga kami sa panonood e dineadma namin ang bagets (pero nakinig naman ako sa kinanta niya). *evil*

Maya-maya e nangalampag na ng gate yung nangangaroling at sa sobrang kabwisitan ko dahil naiistorbo ang panonood ko e lumabas ako ng bahay. ROFL!

Paglabas ko ng bahay e sinilip ko kung sino ang nangangaroling at pagtingin ko, batang babae (mag-isa lang siya). Pero ang lubos ko pang ikinagulat e nung makita kong nirereach na ng bata yung bukasan ng gate namin, mukhang gusto pa yatang pumasok ng bagets.

"Bakit ka nangangalampag ng gate?!" tanong ko sa bata na medyo irritated.

Hindi nakapagsalita ang bagets. Pumasok ako uli sa bahay at padabog na isinara ang pinto. Tapos balik uli sa panonood. Ako na may attitude! *devil*

***

Kanina may nangaroling dito. Hindi ko naman ma entertain dahil kumakain ako. Matapos nilang kumanta ng kantang hindi naman natapos at mali-mali ang lyrics e sumigaw na sila ng,

"Namamasko po!"

Sinabihan ko si Bunso, "Oy may nangangaroling."

"Wala na tayong candy."
"Bigyan mo ng pera."

Tapos deadma si Bunso kasi naglalaro ng online game.

Sige sigaw ang mga nangangaroling at di pa nakuntento, nangalampag pa ng gate!

Kailangan talaga nangangalampag ng gate?  O_O

Saka sumigaw si Bunso ng, "Patawad!"

Umalis ang mga bata.

***

Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit ganyan na yung ibang mga nangangaroling ngayon.

Una, kakanta sila ng mali-mali ang lyrics.
Pangalawa, hindi nila tatapusin ang kanta.
Pangatlo, mangangalampag sila ng gate pag dineadma mo sila. Hindi pa ba nila naintindihan na hindi ka makapagbigay dahil sa maraming kadahilanan?

Bakit parang obligado ka pang magbigay ng pera sa kanila? Hay nakakainis lang. Nakakawalang gana tuloy. Hindi ka man lang maentertain dun sa mga nangangaroling. Paano ka naman gaganahan na magbigay kung ganyan lang?

Ay ewan!

Wednesday, December 21, 2011

Exchange Gift

Pagkagaling ko sa Manila noong Sabado (at umuwi na) e dumiretso ako sa SM Southmall para bumili ng exchange gift kasi may Church Christmas Party kami kinabukasan. Habang nasa byahe e nagtext si Sir J. at nagsabing magkita kami sa SM kasi nasabi ko ngang papunta ako dun. Nagkita naman kami dun at sabay na kaming namili ng panregalo.

Sa isang stall, may natipuhan siyang iregalo (unisex), at nagustuhan ko rin naman kasi nacute-an ako dun sa gift na ibibigay niya. Nakailang minuto rin kami sa pagpili ng kulay at design hanggang sa nagbayad na siya, at umuwi na rin kami matapos kumain at magkwentuhan.

Naging matagumpay ang pagdaraos ng party at dumating ang puntong nagbunutan para sa regalo (may number ang mga regalo). Number 6 ang nabunot ko. Nakailang tawag na rin at kakaunti na lang ang natitirang regalo nang biglang itinaas ng host ang isang green paper bag na pamilyar sa akin dahil yun yung balot ng regalo na binili namin ni Sir J.

Nagulat na lang ako nang biglang tawagin yung number ko.

"Number 6!"

Napatawa na lang si Sir J. nang makita akong tumayo at kinuha ang regalo.

"Alam ko na laman nito," sabi ko. Natawa na lang din ako.  *lol*

Noong araw pa naman na binili namin yun e nag-wish ako na sana ako makabunot nun kasi paniguradong magagamit ko yun.



Have a Merry Christmas! :)

Tuesday, December 6, 2011

Pancit

Sabi nung Pastor nung nakaraang Linggo,

"Hindi pancit ang nagpapahaba ng buhay, kundi ang salita ng Diyos."

_Natawa ako dun sa sinabi niya, pero kung iisipin, tama nga naman. Tamang-tama nasa handaan pa naman kami nun. Ang daming kwento ni Pastor. Ang dami ko tuloy tawa.  :lol:

***

Eksena sa classroom kanina...

May quiz.

FIRST YEAR: Ma'am ipapasa po ba?

AKO: Itatago yan, at pabubulukin sa bag.

IBANG FIRST YEAR: *tawanan*


_Hindi ko talaga maunawaan kung bakit may mga estudyanteng hindi pinapagana ang kokote. Kay simple-simpleng bagay na nga lang e. O_O

***

PINOY BIG BROTHER UNLIMITED

AKO: *Nagtanong sa isang First-Year* Pinsan mo ba talaga yung si Reg?

FIRST YEAR: A hindi ma'am, sa totoo lang, pamangkin ko yun. Yung tatay ng mama niya, kapatid ng daddy ko.

AKO: E bakit sabi mo dati sa message mo, pinsan mo siya?

FIRST YEAR: Baka po kasi magtaka kayo, kasi mas matanda siya sa akin, tapos pamangkin ko siya.

AKO: Hindi naman. May kamag-anak din naman kaming ganun.

FIRST YEAR: Tanggal na siya ma'am e.

AKO: Oo nga.

FIRST YEAR: Ma'am mag-au-audition ako sa PBB Teen Edition sa January.

AKO: Sige, God bless sa iyo.

_Ang liit ng mundo. Sana lang nga hindi siya makalimot sa pag-aaral.


***

Gandang hapon sa lahat.

Sunday, December 4, 2011

Maagang Pamasko

Gusto ko talagang bumili ng bagong bag at wallet. Pero dahil wala naman akong pambili e isinantabi ko na lang muna. LOL!

Kanina nagpunta ako dun sa bday ng anakis (student) ko. Inimbitahan kasi kami ng mother niya. Ilang araw nang di pumapasok si Hannah kasi na-dengue pero awa naman ng Diyos e bumuti na ang lagay niya. Makakapasok na siya bukas. Salamat naman.

Pagpunta namin dun e sinalubong kami ni Hannah. Nagkumustahan. Masasabi kong sa ilang beses naming pagkikita ng mama niya e napakabuti nitong ina. Napaka maasikaso pa. Delicate child kasi itong si Hannah. Mayroon siyang special case.

Ipinagdasal namin ang pagkain at siya. Kinantahan namin siya tapos ay dumulog na sa hapag-kainan. Habang nagkakainan e nilapitan ako ni Hannah. "Ma'am regalo ko po sa inyo," sabi niya sabay abot ng regalo. Wallet ang laman nun.

"Teacher buti talaga nakarating ka. May regalo kasi kami para sa iyo," sabi ng mama ni Hannah. Binigyan din nila ng regalo ang ilan naming kasama na pawang mga naging teacher din  ni Hannah.

Maya-maya e dumating ang grandparents ni Hannah. Nag-abot din ang lola ni Hannah ng regalo para sa amin. "May binili daw kasi siyang bag para sa adviser ni Hannah, pati regalo sa tutor ni Hannah," sabi ng mama ni Hannah. May regalo rin para sa iba.

Sa pag-alis namin, pinabaunan pa kami ng dessert.

Salamat sa Panginoon dahil iniligtas niya si Hannah sa kapahamakan. Salamat din kasi di ko na kailangan pang bumili ng bagong bag at wallet. :)

Published with Blogger-droid v2.0.1

Saturday, December 3, 2011

Ang Sumusundot nang Malalim

Sumakay ako sa FX. Doon ako sa likod sumakay dahil doon na lang may space. May katapat akong lalaki. Nang mapuno na nga dahil isa na lang ang kulang e bumiyahe na ang sinasakyan namin.

Bumaba na ang katabi ng lalaking katapat ko. Nang bumaba ito, tumagilid siya (lalaking katapat ko) ng upo at sinakop na ang buong puwesto ng upuan. Nagpatuloy ang byahe. Habang nasa byahe e nagulat na lang ako nang bigla siyang nagtanggal ng dumi sa ilong. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong gumagawa nun... Pero sa palagay ko e hindi magandang tingnan kung gagawin mo yun sa isang publikong lugar.

Pupwede namang kumuha siya nang panyo para yun ang gamitin niya sa pagtanggal ng dumi sa kanyang ilong, para mas may class naman, pero hindi. Ang ginawa niya e ipinasok niya ang hintuturo niya sa kanyang ilong at sinundot yun nang pagkalalim-lalim. Ako naman e nakatingin lang sa kanya habang ginagawa niya yun. Ewan ko ba, na-star struck yata ako. O_O

Inuna niya yung kaliwang butas, tapos ay yung sumunod na butas. Nang makuha ang goal e pinitik-pitik niya ang nakuhang dumi sa lugar na pwedeng pagtapunan, sa espasyo sa ibaba ng sandalan ng upuan. Di pa nakuntento, at mukhang hindi matanggal, ipinahid na lang niya yun sa kanyang suot na pantalon.
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly