No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, September 12, 2011

Pick Up Line

Boy: Miss, may gadget ka ba?
Girl (thinking na pick-up line siya): Bakit?
Boy: Holdap to.


Nyahaha! Naloka ako sa quotes. *ROFL*

***

May ipopost sana ako sa tristancafe kagabi kaso kahihintay ko nang kahihintay ng oras para pupwede na akong makapag post e nakatulog naman ako bigla. Hindi ko na tuloy matandaan kung anong ipopost ko dapat.

***

Natapos na naman ang isang Lunes. Hay ang bait ng Head Teacher namin, pinayagan akong mag extend ng pagpasa ng test questionnaire. Pero quiet na lang daw ako, ako lang daw kasi ang pinayagan niya nang ganun. >.< Paano ba naman kasi... ako na lang ang hindi nakakapag pasa. Lahat sila nakapag pasa na. Natural ako na lang ang bibigyan ng awa. *ROFL* *** A ayun... naalala ko bigla yung dapat na ipopost ko kagabi... Ito pala... yung words of wisdom na nakuha ko sa simbahan...
"The truth hurts, but it's never harmless."


***

Gandang-ganda pa rin ako dun sa nakuha naming watch... promo ng Candie's. Kanina pag pasok ko ng classroom... Tinawag ako ng isang estudyante ko.

Racquel: Ma'am! (sabay turo sa kung saan)
AKO: Ano yun?
Racquel: (Turo na naman)

Saka ko lang napagtanto na yung relo pala yung tinuturo niya. Ayan, nagkuwentuhan kami tungkol sa relo na yan. Gandang-ganda raw siya sa relo.

Racquel: Ma'am naiinggit ako!
AKO: Gusto mo rin ba nito?
Racquel: Opo!

Iniisip ko naman kung pupuwede ko ba itong ibigay... Nagandahan din kasi ako... At paniguradong may magagalit sakin pagka binigay ko sa iba. Lagot ako kay pated. >.<
Image and video hosting by TinyPic


***

At ito ang pinaka malupit na tanong sa akin ngayong araw,

K: Ba't nagpapahaba ka na ng kuko ngayon?

AKO: Hindi ako nagpapahaba, tinatamad lang talaga akong mag gupit ng kuko.

K: Hay naku! Mag gupit ka na nga.

***

12 pala ngayon... nawala sa isip ko... Happy 11 months, K. ^^

***

Gandang araw. ^_^

Sunday, September 4, 2011

Spelling Quiz

Eksena sa Third Year...




AKO: This word means a book which contains words that are grouped to other words with similar meaning. *Repeated*

Spell the word "Thesaurus"... Thesaurus.

RACQUEL: (Nagtaas ng kamay para magtanong) Ma'am, yun po ba yung Zodiac Sign?

THIRD YEAR: (Tawanan)

AKO: This is a book. Thesaurus, Racquel, not Taurus.

RACQUEL: Ay!

THIRD YEAR: (Tawanan lalo)

AKO: LIKE! (Thumb's up)

_dami kong tawa. serious pa siya nang magtanong. : ))

Monday, August 29, 2011

BENCH CARD

Kagagaling ko lang sa Alabang Town Center.

May usapan kasi kami ni co-teacher, si Sir Joseph, (na ka-bday ko) na mamamasyal kami. (Treat na namin sa bday namin.)

Bago tuluyang umuwi e dumaan kami sa Bench kasi gusto raw niyang bumili ng pabango. Nagtanong siya sa akin kung may gusto raw ba akong bilhin, sabi ko wala. Pero pagdating namin doon, habang naglilibot at namimili siya ng pabango e may naisip akong bilhin. Bumili ako ng sanitizer. Yun lang naman ang hilig kong bilhin dun bukod sa clearing pore.


SIR J: Ay hindi ko nadala yung Bench Card ko!
AKO: Ok lang, may Bench Card naman ako dito e.
SIR J: Edi sayo mapupunta yung points ko. *lol*

(Sige magdamot ka!) *roll*

Nung nakapili na siya ng pabango, nagbayad na kami. Pinagsama namin yung item na binili namin at iniabot ko na sa cashier ang Bench Card.

Cashier: Ay sir, pwede nyo na pong i-redeem yung points. (sabi ng cashier kay Sir Joseph)

Ako naman e nagtaka kasi ang pagkakaalam ko kailangan maka P10,000 pesos ka na avail ng item dun bago ka magkaroon ng e-purse.

E ano pa lang ba yung nabibili ko...

T-shirt na gift ko kay Sir Joseph, 2 clearing pore, 1 sanitizer, tapos yung item ni Sir Joseph na pabango at wax. Wala pa nga yatang P1000 pesos yun.

Sinabi ko na hindi ako magreredeem. Tapos tiningnan uli nung babaeng cashier yung card.

Cashier: (Tumatango-tango) Pwede na po kayong mag-redeem.

Pero mukhang may doubt ang cashier. At pinaulit niyang tingnan ang Bench Card tapos nag print out siya ng number of points ng card. (Naka-triple check na siya) At ako naman ay nagulat sa nakita ko. Nagtanong pa ang cashier kung madalas daw ba akong bumili sa Bench. E one time lang ako bumili na gamit yung card na yun.

Image and video hosting by TinyPic


Image and video hosting by TinyPic


Kung pagmamasdan ang resibo, mayroon na raw akong nagastos na P127,479.00 at ang halaga ng item na pwede kong makuha sa Bench ay P2400.

T-shirt + 2 clearing pore + 1 sanitizer + pabango + wax = P127,479.00???

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang points na yun, basta nakalagay siya roon sa account ko. Paniguradong may error yun. Pero sabi ni Sir Joseph gastusin ko na raw, kung siya raw yun, bibili na siya ng pantalon. :roll: Ayoko namang gastusin ang points kasi parang feel ko hindi ko naman deserve yun. Sabi ni Sir Joseph blessing daw yun.

May lumapit pa nga sa amin na salesman, ang swerte ko raw, kasi bago pa lang ang card pero may laman nang ganun. Ngayon pa lang daw nangyari yun. Ibenta ko raw sa kanya yung card sabi niya.

Pag-uwi ko naman sa bahay, kinuwento ko yun kay Pated, at manghang-mangha ako sa ibinigay niyang payo. *roll*

PATED: Anong gagawin mo diyan e hindi mo naman alam kung saan galing yung points? Gastusin mo na yan tapos ilibre mo ako, bilhan mo ako ng pabango! *lol*

Ay ewan. Nakakaloka.

Sunday, August 28, 2011

2NE1




Just got home from Festival Mall in Alabang...

Had a birthday treat with family...

Enjoyed watching Ang Babae Sa Septic Tank starring Eugene Domingo...

Had so much fun...

Thanks for all the blessings...

Thanks to all those who greeted me!

Happy birthday to me.


Image and video hosting by TinyPic

Mama's Bday Gift... :D

MaxFactor Lipfinity Lasting Lip Tint, Passion Red...

Lasts up to 8 hours...

"Kiss-Proof Lip Tint" *LOL*


Saturday, August 27, 2011

Alam mo yung feeling...




... na nagpuyat-puyat ka para mag-review kasi Midterm Exam, ang bigat-bigat ng dala mo dahil sa mga lintek na reviewer na yan... tapos pagdating mo sa school, late yung prof at ipinauwi na lang ang Midterm Exam. Hindi na ako nagulat (kasi ganun din yung ginawa nung isang prof). Next Saturday wala yung prof namin. Ang saya-saya. Bali... suma total, ang vacant ko next Saturday e 6 hours. *himatay*


... na may ina-upload ka sa YouTube na mahalagang video tapos nakatulugan mo na kasi ang tagal ng upload... At pag gising mo, nakita mo na no internet connection. Pinatay na pala yung router. Hindi na naiupload ang mahalagang video. T_T


... na lahat ng makikita mo na hindi mo nakita for how many years e pupunahin ka... yung dati mong classmates, teachers, kaibigan ng kapatid mo, ultimo barker ng jeep... at sasabihin na, "Parang tumaba ka yata." Lahat na lang sila ganun ang sinasabi. O-O


... na may sentimyento kang sinasabi tapos rereplyan ka lang ng pinagsabihan mo ng XD




LETSE! *mad*
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly