No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Thursday, December 10, 2009

Maagang Pamasko

Minsan pala may benefit din ang pagiging antukin ko.

~anyD



Maaga palagi ang gising ko dahil alas siyete ang start ng klase ng mga batang tinuturuan ko. Dapat alas singko or before 5:30 am pa lang nakaalis na ako ng bahay kung ayaw kong uminit na naman ang ulo ko dahil sa traffic na gawa ni Vergel Aguilar, mayor ng Las PiƱas. Wala kasi siyang ibang ginagawa ngayong kapaskuhan kundi ang magbakbak ng kalsada, ang tagal-tagal namang ayusin. Dalawang araw nang sumasakit ang paa ko kalalakad dahil sa mga sasakyang ayaw umusad. Naka-heels pa naman ang lola mo.

Kaninang madaling araw e sumakay ako ng FX papuntang Manila. Doon ako pinasakay ng barker sa gitna. Buti nga di siksikan kasi ang liliit ng katawan namin. Hirap talaga maging sexy. Apat kami. Sa kaliwang dulo e babae, Nursing yata ang course, ako, tapos yung katabi kong lalaki at sa kanang dulo e lalaking matanda na.

Pagkabayad ko ng pamasahe e napapikit ako, tulog agad. Malayo-layo na pala ang byahe nang magising ako kasi naalimpungatan ako, nag-para kasi yung katabi kong lalaki. Bumaba muna yung matandang lalaki para magbigay daan sa lalaking bababa. Pag usog nung katabi ko, nakakita ako ng 100 pesos sa upuan. Gusto ko sanang ihabol yung 100 pesos pero nakababa na siya at yung matandang lalaki naman ay sumakay, sabay sakay ng isang bagong pasahero, tapos ay isinara na ang pinto. *BLAG!* Walang nakapansin sa pera maliban na lang dun sa babaeng nasa likuran, mukhang nakita rin niya at may pagnanasa din yata kay Roxas.

Nagdalawang-isip pa ako na kunin yung pera, pero naisip kong sayang naman kung mapupunta lang sa maling kamay. Iniisip ko rin kung pera ko nga ba ito baka nahulog sa kanang bulsa ko pagdukot ko ng cell phone, o pera ba talaga ng katabi ko. Nag-analyze akong mabuti. Wala naman akong nilagay na perang papel sa kanang bulsa ko kasi puro barya at cell phone lang ang nilagay ko doon at 200 pesos lang ang inilabas kong pera. Yung 100 na isa, nasa bulsa ko, yung isa pa, ipinambayad ko sa driver. Inilagay ko pa yung mga perang papel sa kaliwang bulsa kasama ng panyo. Mukhang pera nga talaga ito ng katabi ko. Iba rin kasi yung pagkakatupi.

Pagbaba nung babae sa likuran, kinapa-kapa ko yung upuan. Ang sama ko ba? Pababa na rin kasi yung katabi kong babaeng Nursing student kaya no choice kundi kunin, saka pababa na rin yung katabi kong matanda. At yun nga, nasa akin na yung pera, nandun sa bag ko, hindi ko pa ginagalaw. Wala din naman kasi akong paggagamitan nun.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly