No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Tuesday, June 21, 2011

Reklamador

STUDENT 1: (Scan ng pages ng book) Ma'am babasahin namin itong ganito kahaba?!

AKO: Hindi, hindi! Kung gusto mo titigan mo lang yan tapos pabulain mo yung bibig mo.

STUDENT 2: Hahaha! LIKE! (Thumbs Up)


Ba't yung mga bata ngayon ang tatamad magbasa?

Sunday, June 5, 2011

Pahinga

Tapos na rin ang Kindergarten Summer Program.

Nag-graduation sila kahapon.

Nakakatouch ang sinabi ng parents na nag-speech. Salamat daw sa mga tumulong sa mga kagaya nilang mahihirap. Yung top 1 ng bawat klase, mag-aaral nang libre sa school namin. Project ng school at ng foundation. Yung top 2-5 susuportahan ang pag-aaral. Napaiyak ang mga magulang.

Mamimiss ko ang mga bulinggit. Lalo na si Ken. Ang cute-cute kasi ng bata na yun. Ang dami naming pictures. Pag walang ginagawa, picture. Gustong-gusto naming magpa-picture kasama siya.

Ken, bilisan mo ang paglaki ha.

Dapat pala nag-ECED or BEED na lang ako. Mas maganda pa pala pag bata ang handle kesa sa High School.

---

Sa June 8 pa ang reporting ng teachers. Sana matapos na yung renovation ng school para makapag-decorate na ako.

---

First year na naman ang hahawakan ko. Kasama pa sa Advisory class ko yung kapatid kong bunso. Sayang kasi ang discount e. Umagang-umaga sira ang araw ko. Dapat kasi sa second year na lang ako.

AKO: Babatuk-batukan ko nga yun pag eengot-engot!
PATED: Hala! Pwede ba yun?
AKO: Pag sa kanya pwede, pag sa iba hindi.
PATED: Gaga!

---

Hindi pa man din final e dineklara niya nang break na kami. Edi break! Kaloka.

Wednesday, June 1, 2011

patapusin kasi

AKO: Anong gusto mong kainin?
KENSHIN: Ikaw...
AKO: *batok* Patawa ka ah!
KENSHIN: Ikaw, kung anong gusto mong kainin natin.
AKO: Haha!
KENSHIN: Patapusin mo na muna kasi ako, hindi yung nambabatok ka agad.



*ROFL*

Monday, May 30, 2011

Muntanga lang.

Ang pag untog ng ulo sa pader ay di ibig sabihin na ito'y gawain ng isang baliw. Minsan ito'y paraan ng pagkuha ng lakas at pandagdag buhay.

--Super Mario.





Ngek ngek naman yung quote. Di ko alam kung matatawa ako o makokornihan ako. Pero siguro makokornihan na lang ako.


---

Bday ni friend kahapon. Pinainom nila ako, kahit di ako umiinom. Ako naman si "try" din. Tapos tapos... Nag-iba yung pakiramdam ko... Bumigat yung ulo ko tapos parang di na ako makatayo, kasi nanghina yung mga paa ko. Ang init pa ng sikmura ko. lol. Five percent lang daw yung alcohol nun, pero jusko naman, ilang bote yung sinalang nila, kung susumahin mo hindi lang 5 percent yun. Pinagtatawanan pa nila ako kasi lasing na raw ako. Hindi pa ako lasing. Nag-iba lang talaga yung pakiramdam ko.

Bakit kaya ang daming may gusto ng inuming pampalasing? Hindi naman masarap lasa. Maigi na lang mag-juice. Buti na lang wiwi ako nang wiwi. Nawala yung kakaibang pakiramdam ko. Kaso kawawa si Kenshin... Pinainom nang pinainom hanggang sa nahilo. Buti na lang at hindi ako nag-akay ng lasing, kasi bumuti na rin yung pakiramdam niya.

Tapos magmamalaki pa yung nanay ko pag-uwi namin, "Anim na bote lang ang naubos ninyo?" (Apat kaming uminom.) "E kulang pa nga sa akin yun e! Pag San Mig Light nga nakakapito ako e!"

Ikaw na, ma. Ikaw na lasengga!

---

Gandang gabi.

Saturday, May 28, 2011

Horoscope

HOROSCOPE

VIRGO:


"Bibigay sa'yo ang kaibigan mo at malalaman mong may gusto pala siya sa'yo."





Natawa naman ako sa horoscope na yun na nabasa ko kanina, na naka-flash sa TV ng bus. *ROFL* Parang medyo naniwala naman ako kasi nitong week lang e may isang kumausap sa akin na friend ko na ganun nga. Nagulat naman ako kasi parang... parang hindi naman kasi halata. *ROFL* Parang wala lang... May gusto pala sa akin. (Kumusta naman yun?)

Ang nasabi ko na lang, "Talaga?"

Sabi pa niya... ngayon lang daw siya nagkaroon ng guts na sabihin yun. Naging friend ko siya noong 2008, at mukhang wala na rin naman daw halaga yung mga sinabi niya kasi may Kenshin ako.

Sa totoo lang, like ko rin naman siya noon, kaso inignore ko na lang kasi feel ko naman hindi niya ako type. *ROFL* Malay ko bang may gusto pala siya sa akin. *hmm* Pero raw at least nasabi raw niya kasi nahihirapan daw talaga siyang magsabi ng nararamdaman. Gusto pa rin daw niya ako hanggang ngayon. *hmm*

Wala rin naman nagbago. Friends.

Ayun, na-share ko lang, kasi napatawa talaga ako dun sa horoscope. Medyo frustrated kasi ako ngayon gawa nang magpapa-enroll sana kami ng friend ko sa Alma Mater namin sa Manila, but pagpunta namin roon, ang sabi June 1 pa ang enrollment. Oh well... Wala kaming napala.


----

Maulang tanghali.
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly