No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Wednesday, August 10, 2011

Tsinelas

Kanina sa palengke e may nakita akong magkasintahan. Naroon sila sa tindahan ng tsinelas kung saan kami nakatayo ng kasama ko habang naghihintay ng jeep na masasakyan.

Pinagmamasdan ko ang magkasintahan. Hindi magkamayaw ang babae sa pagpili ng tsinelas, namimili ng kulay at disenyo, at nagtatanong kung anong size nga ba ang pares ng tsinelas na kanyang maibigan. Tiningnan ko ang suot na tsinelas ng babae. Bukod sa luma na e pudpod na pudpod pa ito, mukhang matagal nang hindi nakabibili ng bago. Hanggang dumating sa puntong nakapili na siya ng tsinelas na gusto niya at ibinigay niya na yun sa kasintahan niya.

"Sukatin mo," sabi ng kasintahang lalaki na siya namang ginawa ng babae at sumakto ito sa kanyang paa. Napagdesisyunan na nila itong bilhin. "Magkano?" tanong ng kasintahang lalaki sa tindera.
"Isang daan," sagot nito.

Nakita kong napalunok ang lalaki. May pag-aalinlangan naman sa mukha ng kasintahang babae. Namahalan yata sila sa presyo ng tsinelas. Di nagtagal ay dumukot ang lalaki ng pera sa kanyang kalupi at nagbayad sa tindera. Laking tuwa ng babae nang iabot sa kanya ang bagong tsinelas at sinabihan siya ng kasintahan niya ng,

"Sige na, isuot mo na."

Sa isang iglap ay napalitan ng bago at magandang tsinelas ang kanina'y pudpod na pudpod na tsinelas ng babae. Bumagay ang pink na tsinelas sa suot niyang pink na pang-itaas na damit.

Nagtagal pa sila nang kaunting sandali sa tindahan ng tsinelas hanggang sa nagtanong ang lalaki sa tindera.

"May panlalaki po ba kayo?" at naghagilap ang lalaki ng tsinelas sa mga naka display sa tindahan. Pudpod na rin pala ang tsinelas niya. Nang sinipat ko'y mukhang mas pudpod pa iyon kaysa sa tsinelas ng kasintahan niya.

Nakakita ang lalaki ng tsinelas para sa kanya pero di na siya nagsukat. Nagkasya na lang siya sa pagtingin sa pares ng tsinelas at sila'y umalis ng kanyang kasintahan na magkakiling ang mga braso. Siya namang dating ng jeep. Sumakay na kami ng kasama ko para magpunta sa ospital.
Published with Blogger-droid v1.7.4

Monday, August 8, 2011

math :p

Eksena, may hawak na libro si Pated, mukhang may nirereview...


PATED: Ate, 47 + 13?

AKO: (Compute sa isip) 60?

PATED: Ah oo... tama. Eh 66 - 17?

AKO: (Compute sa isip) Ah... 40... 40... 40 plus?! *lol*

PATED: (Tawa tawa) Ako na nga magcocompute.


*sad* Ako na weak sa Math.

:p
Published with Blogger-droid v1.7.4

Thursday, July 21, 2011

Facial Wash

MAMA: Anong ginagamit mong facial wash?
AKO: Yung Olay.
MAMA: Hindi mo ginagamit yung Pond's Pinkish White?
AKO: Hindi.
MAMA: E binili ko yun para sa iyo.
AKO: Bakit ko naman gagamitin yun e hindi naman maputi yung balat ko.
MAMA: Kaya nga. Tetestingin ko nga kung puputi e.
AKO: Gagawin mo akong testingan ganun? *ROFL*
Published with Blogger-droid v1.7.4

Wednesday, July 13, 2011

Dahil sa boredom...

...nakagawa ako ng poem last Saturday.

Ginawa ko sa SM Manila habang nakatambay.

Maulan habang naglalakad ako papunta roon at nag-iisip...

Parang walang patutunguhan...



Image and video hosting by TinyPic



WAITING

Soon the clouds began to mourn,
And as I walked aimlessly to the busy street,
I saw lovers walking side by side,
Their hands held each other,
While I would just stare at them
with vain, with envy,
All I have with me is an umbrella
full and wet with heaven's tears,
And I, in turn, do shed my own tears.

ASSIGNMENT

June 13, 2011

ASSIGNMENT:

Bring a THEME WRITING BOOK tomorrow.


Second Year: Ma'am ano po yun?
AKO: (Surprised) Haven't you seen a theme writing book before?!
Second Year: No, ma'am.
Another second year: Yun po ba yung may talambuhay?
AKO: What are you talking about?!

---

ASSIGNMENT:

Bring a THEME WRITING BOOK tomorrow.


Third Year: *murmuring*
AKO: Why? Don't you know what a theme writing book is?
Third Year: Ma'am alam ko po kaso di ko alam kung saan nabibili.
Another Third Year: *laughs* Sa hardware yun nabibili! Sa hardware!

(Jusmiyo!)
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly