No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Thursday, September 6, 2012

Her Kiss


It's Mid January. It's her 20th birthday. She's supposed to be happy today, but she's crying. Not because of the joy that she's feeling but of the pain stuck in her chest. And here I am beside her. I am just staring at her. She's crying! Helplessly crying! She's crying like a child. I can stand this! I want to hug her but I just can't. I just can't...

--Jason

---

"Ano'ng problema mo, girl?" tanong ko habang umiiyak siya. Siya... yung bestfriend ko. Yung bestfriend ko... si Nadine, na walang ibang ginawa kundi iyakan yung lalaking yun. Yung lalaking yun... si Pete.

Hindi siya nagsalita. Pero mukhang alam ko na kung bakit siya umiiyak. "Si Pete kasi e!" yun lang naman ang madalas niyang sabihin. SI PETE KASI. Tapos wala na. Hindi ko na malalaman kung anong meron kay Pete, kung bakit niya iniiyakan si Pete. Pero may ideya na rin ako e. Babaero kasi yun. Palibhasa kasi gwapo kaya ang lakas ng loob magpaiyak ng babae.

Sa totoo lang, maraming beses ko nang narinig sa kanya yun. SI PETE KASI. Pero hindi niya nagagawang ituloy dahil pag sasabihin niya yung dahilan, lagi ko siyang inuunahan,

"E puta ka naman kasi, girl! Sinabi ko na ngang i-break mo na yang bf mong babaero e!"

Tapos yun, sangkatutak na mura na yung sasabihin ko. Wala na siyang ibang gagawin kundi umiyak. At wala naman din akong ibang gagawin kundi mag-sorry. Mag-sorry, dahil nasaktan ko na naman yung damdamin niyang mamon. Pagkatapos nun, patatahanin ko siya. At hahalikan niya ako, SA PISNGI. At kahit na minura ko na siya't lahat-lahat, sasabihin niyang SALAMAT dahil nandiyan ako para makinig sa kanya; para damayan siya pag may problema siya. Ano bang magagawa ko? Yun ang role ko e, ang makinig sa lahat ng kagagahan niya at kung anu-anong drama sa buhay. Ang kampihan siya at unahin siya kaysa sa ibang tao. BESTFRIEND e!

Pero itong araw na ito, hindi ko siya mapatahan. Umiiyak siya nang umiiyak.

"Nakipag-break siya sa akin!" sabi niyang humahagulgol.

Sa kabila ng umiiyak niyang mga mata, napangiti ako pero pilit kong tinago ang ngiting yun. Hindi ko aahasin si Pete, wag kayong mag-alala. Hindi ko siya type!

"Ano bang bago, e lagi namang ganyan ang eksena ninyo? Tapos ano, magbabati rin kayo! Para kayong mga sira!"
"Hindi best e! Iba ngayon e. Wala nang balikan!" sabi niyang tila may pag-aalala.
"Edi maganda! Wala nang UNGAS na magpapaiyak sa iyo. Dapat mag-celebrate tayo. Tara, nomo!" nagawa ko pa siyang yayain ng ganun.

Napailing siya kasunod nun ay ang pagsabi ng, "Hindi mo naiintindihan e! Best, buntis ako! Four months."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi halata na buntis siya. Ganun siguro yun pag araw-araw kayong magkasama. Hindi mo napapansin kung may pagbabago sa kasama o sa kaibigan mo.

"Wehhhh?! Walang halong charing?" ganun na lang ang naging reaksyon ko.
"Ayaw pa raw niyang maging tatay. Tinakasan ako ni Pete! Umuwi na sa probinsya nila!"
"Edi gooooo! Uso naman maging single mom ngayon e. Di ka naman nag-iisa. Bongga yan! Magpaka ulirang ina ka."
"Hay ano ka ba naman!" maktol niyang pagkakasabi. Pagkatapos, nagdabog siya at iniwanan niya akong nakatanga sa lugar na madalas naming tambayan. Iniwan niya akong bad trip ang mukha. Mukhang nairita sa akin. Alam kong malaking problema ang kinahaharap niya ngayon. Paniguradong madi-disappoint ang mga magulang ni Nadine dahil alagad pa man din sila ng simbahan. Gusto ko siyang tulungan!

Dalawang araw ang lumipas nang magkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin si Nadine. Nag-sorry ako sa inasal ko nung nakaraan. Agad ko naman siyang nauto na patawarin na ako. Ganun talaga si Nadine e, mababa ang loob.

"Alam na nila?" tanong ko. Mahina lang ang boses ko. Baka may ibang makarinig. Nasa bahay pa naman nila ako.
"Hindi pa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin."

Hindi na ako magtataka kung ganun. Madalas wala sa bahay ang mga magulang ni Nadine dahil busy sa kaka-bible study sa ibang bahay. Hindi naman makasama si Nadine kasi hanggang gabi ang schedule niya sa Kolehiyo.

Hinawakan niya ako sa kamay at nakiusap. "Best, tulungan mo naman ako."

Tulungan siya? Iniisip niya bang tulungan ko siya para makumbinsi si Pete na balikan siya? No way! Ayokong makipagbalikan siya roon!

"Ano bang gusto mo? Pakasalan ka?" tanong ko.
"Syempre. Kawawa naman yung baby ko kung walang tatay."
"Gaga ka kasi, girl! Dapat kasi pinahugot mo sa animal mong bf! Gumamit kayo ng proteksyon! Ang dami-daming paraan e! Puro sarap kasi ang alam e!"

Pero habang sinasabi ko yun, nasasaktan ako. Naiinis ako kay Pete kasi hindi siya naging responsable. Madalas na nga niyang saktan yung bestfriend ko, ngayon, iniwanan niya pa.

"Ano bang gagawin ko? Natatakot ako."

Yung sinabi niyang yun ang nakapagpadurog lalo sa puso ko. Sinabihan ko siyang wag siyang mag-alala kasi gagawa ako ng paraan. Hindi ko siya pababayaan at iiwanan gaya ng pag-iwan sa kanya ni Pete.

Matapos ang pag-uusap naming yun, kinausap ko si mama. Simula't sapul kami na ang magkatuwang sa buhay.

"Ma, kung mag-aasawa ba ako, papayagan mo ako?" tanong ko sa kanya. Nasa hustong gulang naman na ako sa palagay ko, dahil dalawampu't lima na ako. Napatigil siya sa ginagawa. Nagluluto pa naman siya ng pananghalian nang mga oras na yun.
"Lalaki yan?"

Umiling ako, "Babae."

Natawa si mama. "Lol!!! May sakit ka yata, Jason."

"Si Nadine po," sabi ko.

Nabigla si mama. "Si Nadine? E di ba may boyfriend yun?"

Hindi na ako nahiyang mag-open kay mama kasi madalas naman namin itong ginagawa, "Yun na nga ang problema e. Di siya pinanagutan."

Lalong nagulat si mama. "Pinanagutan?! Buntis?" Tumango ako. "At ikaw ang aako?" Tumango uli ako. "Por Diyos por Santo!" di siya makapaniwala.

"Ma, di ba ino-open ko naman sa iyo yung problema ko tungkol kay Nadine... Alam mo naman di ba na... na mahal ko si Nadine. Matagal na! Ma, gusto ko siyang pakasalan."
"Hindi ko alam kung magandang ideya yan, Jason."
"Next month, ma."
"Hoy! Akala mo ganun kadali ang mag-asawa?"

Alam ko ayaw ni mama sa gagawin ko dahil unang-una ay magsisinungaling kami sa mga magulang ni Nadine na kaibigan pa man din niya. Pangalawa ay biglaan ang lahat. Pero dapat ko siyang mapapayag.

"Ma, para na lang dun sa baby. Isipin mo na lang na parang ako rin yung baby na yun."

At sa sinabi kong yun, lumambot ang puso ni mama.

Nang maiayos ko na ang lahat, pinuntahan ko si Nadine at inaya ko siyang lumabas tapos ay may ibinigay ako sa kanyang isang maliit na kahon.

"Ano ito?" tanong niya.

Inirapan ko siya. "Buksan mo kaya! Duh!"

Dahan-dahang binuksan ni Nadine ang kahon at nagulat nang makita ang laman nun. "Teka, bakit mo ako binibigyan nito?"

Inirapan ko uli siya. "Ay ang slow ni ate! Natural gusto kitang pakasalan!"

"Pakasalan?! Ako?!"
"Ay hindi! Hindi! Ako! Sarili ko papakasalan ko! Kakaloka ka!"

At ang tanong niya sa akin, "Jay, BAKIT?!"

"Bakit ba pinakakasalan ang isang tao, di ba, dahil mahal niya ito? Ibinibigay ko yan sa iyo di dahil napilitan ako kundi gusto ko talagang gawin ito kasi Nadine, mahal kita."
"Jay..."

At sa dinami-rami pa ng sasabihin ko, yun pa talagang "Bestfriend kita, di ba?" ang idinugtong ko. Hay... Ang duwag ko talaga!

Yung totoo, I am offering her a ring not to save her from the misery that she has, but because I love her. I love her, but I'm afraid to say that to her. I'm afraid to say that to her because I am thinking that she will make fun of me because I am a nobody. BAKLA ako, di ba? Sino namang babae ang papatol sa akin? Wala naman akong magagawa kung yun yung nararamdaman ko e. Matagal na rin akong nagsa-suffer dito sa feelings ko kay Nadine na di ko mapahayag dahil paniguradong di siya maniniwala at di niya ako tatanggapin.

Nadine is weak and she's so fragile. Oo, maaaring nagkamali siya at napagsamantalahan, pero hindi ako makapapayag na tuluyan na lang na mabasag ang mga babaeng kagaya niya.

That day, she cried. I know it's not of pain but of happiness. Deep in my heart kahit na hindi ko masabi sa kanya, I honestly love her. Matapos nun ay ipinaalam na namin sa mga magulang niya ang tungkol sa baby at ang tungkol sa kasal. Noong una, alam kong nag-alangan ang mga magulang niya dahil sa dinami-rami ba naman ng lalaki e sa akin pa siya mauuwi. Isa pang concern nila ay yung si Pete. Sinabi ni Nadine na nakipag-break si Pete sa kanya matapos malamang may nangyari sa aming dalawa at nagbunga ang aming ginawa. Na kung tutuusin ay walang katotohan. Sabi niya hihingi siya ng malaking tawad sa Diyos sa kasinungaling ginawa niya, namin. Pero sa kabila nun, hindi na nagawang tumutol o magtanong ng mga magulang ni Nadine dahil kilala naman nila ako at ang pamilya ko. Naging agaran ang kasal namin dahil conservative type ang mga magulang ni Nadine kasi nga, alagad sila ng simbahan at ayaw nila ng kahihiyan.

And here we are. At the altar we stand, saying vows to one another that we'll be together for richer, for poorer; for better, for worse. Alam kong mas gugustuhin niyang si Pete ang ikasal sa kanya. Pero hindi ko gugustuhing makasama niya habang buhay yung taong nanakit sa kanya. Nandito naman ako e! Handa kong ipagtanggol siya at tanggapin lahat ng kagagahan niya. Kung hahayaan niya ako. Sana hayaan niya lang ako...

Nadine is really pretty wearing that white gown. Nakakatawa, parang nagiging lalaki na yata ako. And when the ceremony is almost over, narinig ko yung pamilyar na linya sa tuwing may ikinakasal.

"I now pronounce you husband and wife! You may kiss the bride!"

Nakatingin at nakangiti sa akin si Nadine.

"Kiss daw!" sabi niya. Ang ganda ng ngiti ng bestfriend ko.
"Ha?" gulat na tanong ko. Tiningnan ko ang pari. Sinenyasan niya na ako na lapitan ko si Nadine.

Kinabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko gagawin yun... yung halikan siya sa labi. Aaminin ko, sanay akong humalik sa lalaki pero sa babae? Hindi ko pa nasusubukan. Pero nilapitan ko si Nadine at inilapit ko ang mukha ko. At pagkatapos nun, I felt her lips. Her soft lips. Her kiss... Her warm kiss... Ganito pala yung feeling ng humalik sa isang babae. Kakaiba yung pakiramdam. Masarap... Passionate. Unexplainable. Masarap pala humalik ang gaga?

Nang maghiwalay na ang mga labi namin, nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Mas nagulat ako nang halikan niya ako uli. She started crying.

"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko.
"E... Ikaw kasi e!"

Hindi ko na siya tinanong kung bakit. Alam kong masaya siya dahil iba yung pag-iyak na yun kumpara sa pag-iyak niya kay Pete. Nagpalakpakan ang mga tao nang lumakad na kami palabas ng simbahan at habang naglalakad kami, may ibinulong siya sa akin.

"May daddy na si baby. Thank you for saving me."
"Ano palang pangalan ni baby?"
"Jason Jr."
"Bet ko yan ha!"

I smiled.

...WAKAS...

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly