No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, August 29, 2011

BENCH CARD

Kagagaling ko lang sa Alabang Town Center.

May usapan kasi kami ni co-teacher, si Sir Joseph, (na ka-bday ko) na mamamasyal kami. (Treat na namin sa bday namin.)

Bago tuluyang umuwi e dumaan kami sa Bench kasi gusto raw niyang bumili ng pabango. Nagtanong siya sa akin kung may gusto raw ba akong bilhin, sabi ko wala. Pero pagdating namin doon, habang naglilibot at namimili siya ng pabango e may naisip akong bilhin. Bumili ako ng sanitizer. Yun lang naman ang hilig kong bilhin dun bukod sa clearing pore.


SIR J: Ay hindi ko nadala yung Bench Card ko!
AKO: Ok lang, may Bench Card naman ako dito e.
SIR J: Edi sayo mapupunta yung points ko. *lol*

(Sige magdamot ka!) *roll*

Nung nakapili na siya ng pabango, nagbayad na kami. Pinagsama namin yung item na binili namin at iniabot ko na sa cashier ang Bench Card.

Cashier: Ay sir, pwede nyo na pong i-redeem yung points. (sabi ng cashier kay Sir Joseph)

Ako naman e nagtaka kasi ang pagkakaalam ko kailangan maka P10,000 pesos ka na avail ng item dun bago ka magkaroon ng e-purse.

E ano pa lang ba yung nabibili ko...

T-shirt na gift ko kay Sir Joseph, 2 clearing pore, 1 sanitizer, tapos yung item ni Sir Joseph na pabango at wax. Wala pa nga yatang P1000 pesos yun.

Sinabi ko na hindi ako magreredeem. Tapos tiningnan uli nung babaeng cashier yung card.

Cashier: (Tumatango-tango) Pwede na po kayong mag-redeem.

Pero mukhang may doubt ang cashier. At pinaulit niyang tingnan ang Bench Card tapos nag print out siya ng number of points ng card. (Naka-triple check na siya) At ako naman ay nagulat sa nakita ko. Nagtanong pa ang cashier kung madalas daw ba akong bumili sa Bench. E one time lang ako bumili na gamit yung card na yun.

Image and video hosting by TinyPic


Image and video hosting by TinyPic


Kung pagmamasdan ang resibo, mayroon na raw akong nagastos na P127,479.00 at ang halaga ng item na pwede kong makuha sa Bench ay P2400.

T-shirt + 2 clearing pore + 1 sanitizer + pabango + wax = P127,479.00???

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang points na yun, basta nakalagay siya roon sa account ko. Paniguradong may error yun. Pero sabi ni Sir Joseph gastusin ko na raw, kung siya raw yun, bibili na siya ng pantalon. :roll: Ayoko namang gastusin ang points kasi parang feel ko hindi ko naman deserve yun. Sabi ni Sir Joseph blessing daw yun.

May lumapit pa nga sa amin na salesman, ang swerte ko raw, kasi bago pa lang ang card pero may laman nang ganun. Ngayon pa lang daw nangyari yun. Ibenta ko raw sa kanya yung card sabi niya.

Pag-uwi ko naman sa bahay, kinuwento ko yun kay Pated, at manghang-mangha ako sa ibinigay niyang payo. *roll*

PATED: Anong gagawin mo diyan e hindi mo naman alam kung saan galing yung points? Gastusin mo na yan tapos ilibre mo ako, bilhan mo ako ng pabango! *lol*

Ay ewan. Nakakaloka.

Sunday, August 28, 2011

2NE1




Just got home from Festival Mall in Alabang...

Had a birthday treat with family...

Enjoyed watching Ang Babae Sa Septic Tank starring Eugene Domingo...

Had so much fun...

Thanks for all the blessings...

Thanks to all those who greeted me!

Happy birthday to me.


Image and video hosting by TinyPic

Mama's Bday Gift... :D

MaxFactor Lipfinity Lasting Lip Tint, Passion Red...

Lasts up to 8 hours...

"Kiss-Proof Lip Tint" *LOL*


Saturday, August 27, 2011

Alam mo yung feeling...




... na nagpuyat-puyat ka para mag-review kasi Midterm Exam, ang bigat-bigat ng dala mo dahil sa mga lintek na reviewer na yan... tapos pagdating mo sa school, late yung prof at ipinauwi na lang ang Midterm Exam. Hindi na ako nagulat (kasi ganun din yung ginawa nung isang prof). Next Saturday wala yung prof namin. Ang saya-saya. Bali... suma total, ang vacant ko next Saturday e 6 hours. *himatay*


... na may ina-upload ka sa YouTube na mahalagang video tapos nakatulugan mo na kasi ang tagal ng upload... At pag gising mo, nakita mo na no internet connection. Pinatay na pala yung router. Hindi na naiupload ang mahalagang video. T_T


... na lahat ng makikita mo na hindi mo nakita for how many years e pupunahin ka... yung dati mong classmates, teachers, kaibigan ng kapatid mo, ultimo barker ng jeep... at sasabihin na, "Parang tumaba ka yata." Lahat na lang sila ganun ang sinasabi. O-O


... na may sentimyento kang sinasabi tapos rereplyan ka lang ng pinagsabihan mo ng XD




LETSE! *mad*

Wednesday, August 10, 2011

Tsinelas

Kanina sa palengke e may nakita akong magkasintahan. Naroon sila sa tindahan ng tsinelas kung saan kami nakatayo ng kasama ko habang naghihintay ng jeep na masasakyan.

Pinagmamasdan ko ang magkasintahan. Hindi magkamayaw ang babae sa pagpili ng tsinelas, namimili ng kulay at disenyo, at nagtatanong kung anong size nga ba ang pares ng tsinelas na kanyang maibigan. Tiningnan ko ang suot na tsinelas ng babae. Bukod sa luma na e pudpod na pudpod pa ito, mukhang matagal nang hindi nakabibili ng bago. Hanggang dumating sa puntong nakapili na siya ng tsinelas na gusto niya at ibinigay niya na yun sa kasintahan niya.

"Sukatin mo," sabi ng kasintahang lalaki na siya namang ginawa ng babae at sumakto ito sa kanyang paa. Napagdesisyunan na nila itong bilhin. "Magkano?" tanong ng kasintahang lalaki sa tindera.
"Isang daan," sagot nito.

Nakita kong napalunok ang lalaki. May pag-aalinlangan naman sa mukha ng kasintahang babae. Namahalan yata sila sa presyo ng tsinelas. Di nagtagal ay dumukot ang lalaki ng pera sa kanyang kalupi at nagbayad sa tindera. Laking tuwa ng babae nang iabot sa kanya ang bagong tsinelas at sinabihan siya ng kasintahan niya ng,

"Sige na, isuot mo na."

Sa isang iglap ay napalitan ng bago at magandang tsinelas ang kanina'y pudpod na pudpod na tsinelas ng babae. Bumagay ang pink na tsinelas sa suot niyang pink na pang-itaas na damit.

Nagtagal pa sila nang kaunting sandali sa tindahan ng tsinelas hanggang sa nagtanong ang lalaki sa tindera.

"May panlalaki po ba kayo?" at naghagilap ang lalaki ng tsinelas sa mga naka display sa tindahan. Pudpod na rin pala ang tsinelas niya. Nang sinipat ko'y mukhang mas pudpod pa iyon kaysa sa tsinelas ng kasintahan niya.

Nakakita ang lalaki ng tsinelas para sa kanya pero di na siya nagsukat. Nagkasya na lang siya sa pagtingin sa pares ng tsinelas at sila'y umalis ng kanyang kasintahan na magkakiling ang mga braso. Siya namang dating ng jeep. Sumakay na kami ng kasama ko para magpunta sa ospital.
Published with Blogger-droid v1.7.4

Monday, August 8, 2011

math :p

Eksena, may hawak na libro si Pated, mukhang may nirereview...


PATED: Ate, 47 + 13?

AKO: (Compute sa isip) 60?

PATED: Ah oo... tama. Eh 66 - 17?

AKO: (Compute sa isip) Ah... 40... 40... 40 plus?! *lol*

PATED: (Tawa tawa) Ako na nga magcocompute.


*sad* Ako na weak sa Math.

:p
Published with Blogger-droid v1.7.4
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly