No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, September 11, 2010

Ten Minutes

Mag-a-alas kuwatro na ng hapon. Pauwi na sana ako pero nakatanggap ako ng text message galing kay Jerry.

"Sabay n tau umuwi," sabi sa text message.

Maya-maya'y nandiyan na siya. Hawak-hawak niya yung drum stick niya, tumutugtog kasi siya ng drums sa school, at pinaalalahanan niya akong sabay kaming uuwi. Napangiwi naman ako. Naiilang kasi akong kasabay si Jerry kasi maraming nagsasabing gusto raw niya akong ligawan pero sa totoo lang nagpaalam na nga siya sa akin na manliligaw siya.

Ayos din naman si Jerry. Mabait siya, sobra. (Kahit di naman ganun ka-gwapo.) At gentleman din. Ang kaso nga lang aasarin na naman ako ng mga kaklase namin pag nakita kaming magkasama.

Gusto ko sanang gumawa ng excuse at talagang umaayon ang pagkakataon dahil biglang dumaan ang Principal sabay tinawag siya at inanyayahan sa loob ng Principal's Office na di kalayuan sa kinatatayuan namin.

Tinago ko na ang cell phone ko nang sandaling yun. Pagkakataon ko na sanang umalis pero nakakagulat kasi bigla siyang lumabas at sinabing,

"Shey, hintayin mo ako, ten minutes."
"Ha? Ten minutes?" nagulat ako. Gusto ko na kasi talagang umuwi.
"Dali na, ten minutes lang naman. Kakausapin lang ako ni Ma'am Loida. Mabilis lang ito," sabi niyang tila nagmamakaawa.
"E ang tagal nun. Uuwi na lang ako mag-isa."
"Please, ten minutes lang. Sabay na tayo. Ihahatid kita sa inyo," pilit niya.
"Ayokong maghintay ng ten minutes," sabi ko.
"Dali na," pagpupumilit niya.

Sa hinaba siguro ng diskusyunan namin kasi ayoko ngang maghintay ng ten minutes e inabot na nga kami ng ten minutes.

"Bakit ba kasi lumabas ka pa?" tanong ko sa kanya. "Edi sana kinausap mo na siya."
"E kaya nga ako lumabas para sabihin sa iyong hintayin mo ako ng ten minutes kasi ten minutes lang daw niya ako kakausapin," sagot niya.

Pero kahit anong pilit niya, sinungitan ko siya at sinabing, "Bahala ka riyan, uuwi na ako!" Lumabas ako ng gate at nagdire-diretso ng lakad.

"O bakit naman iniwan mo si Jerry?" tanong ni Rina, school mate namin na nakasabay ko sa paglabas.
"E sabi niya hintayin ko raw siya ng ten minutes at kakausapin pa raw siya ni Ma'am Loida. Ayoko ngang maghintay ng ganun katagal. Kung inilakad ko na lang yung ten minutes na yun edi nakauwi na rin ako sa bahay nun," katwiran ko.
"Oo nga naman," tugon ni Rina. Naghiwalay na kami kasi lumiko na siya ng daan.

Sa paglalakad ko e may nadaanan akong tindahan at naisipan kong bumili ng Chuckie, yung chocolate drink, paborito ko kasi yun. Nang makabili ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Malayu-layo na rin ang narating ko nang may maramdaman akong masakit na hampas sa kaliwa kong braso. Pag tingin ko, si Jerry! At yung drum stick pa talaga ang pinanghampas niya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad.

"Sakit ha!" angal ko.
"Sabi ko sa iyo... ten minutes... lang. Hindi ka... nakinig sa akin." Hinahabol niya ang paghinga niya.

Takang-taka ako kung paano niya ako nasundan at naabutan. "Tumakbo ka?" tanong ko dahil kita kong hinihingal siya.

"Ay hindi!" sagot niyang tila nainis pa.
"Bakit kasi tumakbo ka pa?" tanong kong painosente.
"Para maabutan kita! Sabi ko kasi ten minutes lang, ayaw pa," sagot niya.

Napangiti ako nang bahagya, pero di ko ipinakitang natuwa ako sa ginawa niya. Doon ko naramdaman kung gaano ako kahalaga kay Jerry. Na kapag umalis ako at iniwan siya e hahabulin niya pa rin ako, na talagang gagawa siya ng paraan para maihatid ako sa bahay, na kapag sinabi niyang sabay kaming uuwi e sabay talaga kaming uuwi.

Kumapit ako sa braso niya at inalok ko siya ng binili kong Chuckie. "Gusto mo?" tanong ko.

"Hindi na," tanggi niya. "Kulang pa sa iyo yan e!" pang-aasar pa niya.
"Ang yabang mo!" sabi ko naman.

Hinatid niya na ako sa amin. Nginitian niya pa ako bago ako pumasok sa gate ng bahay namin. Nang makauwi na nga ako, hinalungkat ko yung bag ko at kinuha ang cell phone ko. May text message pala galing kay Jerry.

"Teka lang," unang text message na nabuksan ko.
"Teka lang, nasan kna? Naglalakad na ako," pangalawang text message na natanggap ko.
"Shey, di mo talaga ako pinakinggan. Teka lng, hinahabol na kita," ang huling text message na nabasa ko.

Hay... Si Jerry talaga...
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly