No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Tuesday, July 20, 2010

Hinto. Tigil.

Sa mga mambabasa (kung meron man, pati na rin sa mga nagkamaling nag-click nito),

Matitigil muna ang pagpo-post ko ng mga walang saysay na kuwento. (Haha!) Sinira kasi ni Basyang yung antenna ng Smart Bro namin. (Nandito ako sa computer shop) Abala na rin kasi ako sa gawaing pampaaralan. Kaya ayun... Pahinga na muna.

Hanggang sa muli.

anyD

Friday, July 9, 2010

Siya Na Lang Sana

"Sige na, ligawan mo na si Faith," pambubuyo sa akin ni Kuya Rodel. Sinisiko-siko niya pa ako habang tinitingnan namin si Faith sa malayo. Nasa lilim si Faith ng punong bayabas sa kolehiyong pinapasukan namin at nagsusulat sa notebook, katabi ng mga patung-patong na libro.
"Bakit ba pilit ka sa akin ng pilit kay Faith?" tanong ko kay kuya, medyo naiinis na dahil ilang buwan na rin niya akong kinukulit na ligawan ko yung kababata namin.
"Mabait si Faith, mahinhin, masipag, matalino at higit sa lahat, crush na crush ka niya!" sabi sa akin ni kuya.

Oo, alam kong na kay Faith na ang lahat ng katangiang gusto... ni kuya, pero dahil sa sinabi raw ni Faith kay kuya na malaki ang pagkagusto niya sa akin, dapat daw ako ang manligaw kay Faith.

Mabait si Faith, sobra, at masarap kasama. Tinutulungan niya ako sa mga assignment, research paper at thesis. Nakakausap ko siya kung kailangan ko ng kausap. Takbuhan ko siya pag may problema at hingian ko ng advice, pero hindi ko gusto ang tipo niya. Ang hanap ko kasi ay yung... maganda, gaya ng hinahanap ng karamihan sa mga lalaki. Pag maganda kasi ang girlfriend mo puwede mong ipagmalaki kahit kanino. Kaiinggitan ka pa ng marami. Hindi ganoon si Faith. Madalas ko siyang pinagsasabihang mag-ayos ng sarili, huwag yung puro aral na lang ang inaatupag.

"Wala ka nang mahahanap na katulad ni Faith, sinasabi ko sa iyo," pananakot pa ni kuya.
"Marami namang babae riyan," katwiran ko. "Kung gusto mo si Faith edi ligawan mo," sabi ko pa.
"Bahala ka," nasabi na lang ni kuya. Hindi niya na ako pinilit dahil nakikita niyang hindi ko talaga gusto si Faith. Kaibigan lang ang tingin ko sa kababata namin.

Nagkaroon na kami ng kani-kaniyang buhay nang makapagtapos sa kolehiyo. Nauna ng isang taon sa akin si kuya at nagpa-Maynila siya para roon magtrabaho. Si Faith ay ganoon din ang ginawa. Wala na akong nabalitaan sa kanya mula noon. Alam ko kasing labis ko siyang nasaktan nang umamin siya ng nararamdaman para sa akin noong graduation ball namin pero tinanggihan ko siya.

Nagkaroon ako ng iba't ibang girlfriend matapos, mga relasyong hindi naman nagtatagal. Siguro ay nakokonsensya ako sa ginawa ko kay Faith, at kasabay noon ay hinahanap-hanap ko rin ang magandang pagtrato niya sa akin.

Ilang taon din ang lumipas. Hindi nagawang umuwi ni kuya rito sa amin sa Quezon pero panay ang padala niya ng pera. Nang makapag-usap kami sa chat, sinabihan niya akong may balak na siyang magpakasal. Nakapag-ipon na rin naman daw siya ng sapat na pera. Uuwi raw siya sa amin para asikasuhin ang kasal dahil dito daw nila napagdesisyunang magpakasal ng nobya niya. Nainggit naman ako bigla. Buti pa si kuya ikakasal na samantalang ako wala man lang naging matinong girlfriend.

Matapos ang limang buwan mula nang magkausap kami ni Kuya Rodel, umuwi siya kasama ang girlfriend niya... na mapapangasawa niya. Hindi niya na pala kailangang ipakilala yung babae dahil kilala ko na, katunayan ay kilala na ng buong pamilya, si Faith pala. Ibang-iba na siya kaysa rati. Mula sa kayumangging balat e naging maputi na. Unat na unat ang kanyang buhok, may kolorete sa mukha, balingkinitan ang pangangatawan at seksi sa paningin kung manamit.

"Long time no see," sabi ko kay Faith. "Kumusta ka?" Naiilang nga akong magtanong kasi nasa isip ko pa rin yung pagtangging ginawa ko sa kanya noon.
"Masayang-masaya," tugon naman niya.
"Ang laki na ng ipinagbago mo," patuloy ko.
"Nadaan sa alaga ni Rodel," sabi niya.
"Congrats nga pala," pagbati ko sa kanya dahil nga ikakasal na sila.

Sa totoo lang nanghinayang ako sa sinayang kong pagkakataon. Kung di ko pinakawalan si Faith, kung hindi lang ako naging mapili, kung inuna ko pang tingnan ang kalooban kaysa sa panlabas niyang anyo... kami na siguro ang ikakasal ngayon.

Pagdamutan ninyo na itong munting akda ko. Nakaimbak na kasi ng matagal sa notes ng cp ko e.
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly