Pages

Tuesday, March 1, 2011

Class Picture

Hindi ko gusto yung class picture namin.

Hindi rin gusto ng mga estudyante.

Pero nung una excited silang makita yun.

Pero nung makita na e nagsireklamo.


AKO: Ayokong ipakita sa inyo. Ang pangit ng hitsura ko! *mad*

FIRST YEAR: *nakiusap* Sige na, ma'am. Sige na!


Hindi ko gusto yung picture na yun kasi ang laki ng smile ko. Pero ipinamigay ko na rin.


MICAH: Ay ang cute ni ma'am! *tawa*

PAULINE: Ay oo nga ang cute ni ma'am! *tawa*


Ayoko ng ngumingiti ng labas ang ngipin.

Parang hindi ako sanay.

Parang hindi ako.

Ayoko ng ngiting artista.

Nung pinicturan kasi kami noon e pinagsabi kami ng "A".

As in the letter A.

So expect ko talaga na malaki yung ngiti ko doon.


KHYRT: Ay si ma'am ngiting tagumpay! *tawa*


Nakitawa na lang ako habang tinatawanan nila ako. Cute naman daw kasi ako. Nyahahaha!


Tapos nagsireklamuhan na.


KHIM: Bakit nagmukhang daga ako rito? Anong nangyari sa tainga ko?

FIRST YEAR: Ay oo nga! *tawa*

KEVIN: Ma'am ba't parang edited ako?

AKO: *tingin sa class picture* Ay oo nga! Ba't ka lumiliwanag?


May kung anong liwanag sa paligid ni Kevin. Tumawa sila.


AKO: *sinabi kay Kevin* Para kang nag-aparisyon diyan. *tawa*

KEVIN: Oo nga ma'am! *tawa*


Hanggang mag-uwian e pinagtatawanan nila yung class picture. Hay naku. Halos lahat na lang ng picture ineedit.

No comments:

Post a Comment