Pages

Sunday, July 5, 2009

Koton Bads

Sumakay ako ng jeep pauwi noon. Kilala ko sa mukha ang driver ng nasakyan ko. Siya yung may pagka binging driver kaya nagbayad ako ng sakto para di ko na kunin ang sukli sa kanya sakaling di niya maibigay. Dagsang pasahero ang nagbayad. Matapos, may isang babae ang nagsabing paki baba siya sa may Hospicio De San Jose.

BABAE: Manong, pakibaba ho ako sa Hospicio.
DRIVER: Ha?
BABAE: Sa Hospicio ho.
DRIVER: (takang-taka)

Maya-maya, kumuha si manong ng piso at inabot sa pasahero.

DRIVER: O!
BABAE: (Natawa, hindi tinanggap ang inaabot ni manong) Hospicio ho hindi piso!

Nagpatuloy si manong sa pagmamaneho at nadaanan na ang tulay kung saan naroon ang Hospicio De San Jose.

BABAE: Manong para po.
DRIVER: (Patuloy pa rin sa pagmamaneho)
BABAE: Para po!
DRIVER: (Patuloy pa rin)
BABAE: Para!!!
MGA PASAHERO: Para daw po!

Huminto ang jeep. Inis na inis ang babae kasi lagpas na siya. Pagkababa, may pahabol na linya ang babae.

"BINGI!"

No comments:

Post a Comment