No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Tuesday, July 16, 2013

LIES AND DECEPTION

Para sa ikatatahimik ng kaluluwa ko ay nag-imbestiga ako at napatunayan ko ngang sa mundo ng internet ay maraming nagtatagong unggoy. :evil: Reminds me of chinchana's post na nabasa ko kani-kanina lang.

Marahil ay isa ka na sa mga biktima at nahalina sa pag-poposte niya ng napakakisig at kahali-halinang hitsura dito sa mundo ng tristancafe. Pati nga ako napakitaan ng picture na sa palagay ko ay HUWAD lamang. Kung ito mang nasusulat sa posteng ito ay mga kuro-kuro ko, kayo na po ang bahalang humusga. May mga kasamang print screen na nagpapatunay na hindi ko basta lamang inimbento ang mga nakalagay rito.



# 1 Nag-browse ako sa Chochalan Profile ni mbstr13 o ni MOBSTAR. Nag-online siya 3 days ago. July 16 ngayon, so 3 days ago ay July 13.

Ito ang lumitaw.


Si mobstar ay ume-emote kaya ito ang love quote nya:
3 days ago
All thoughts, all passions, all delights Whatever stirs this mortal frame All are but ministers of Love And feed His sacred flame.

–Samuel Taylor Coleridge

Image and video hosting by
TinyPic

Nagbrowse ako sa profile ni alam-ninyo-na-kung-sino. (sa FB) at ito ang aking nakita.

Saturday

All thoughts, all passions, all delights Whatever stirs this mortal frame All are but ministers of Love And feed His sacred flame.

–Samuel Taylor Coleridge

Image and video hosting by TinyPic

Kung Saturday niya ipinoste yun... Tingnan ninyo po yung petsa. July 13 yun. Tumugma ba? :hmm:


#2 Isa pang nakita ko sa nakaposte sa profile ni mobstar sa Chochalan ay ito. Nakalagay ay 1 week ago. July 16 ngayon. 1 week ago is July 9 sabi sa kalendaryo.


Si mobstar ay namumukadkad kaya ito ang life quote nya:
1 week ago
Life is a series of natural and spontaneous changes. Don’t resist them – that only creates sorrow. Let reality be reality. Let things flow naturally forward in whatever way they like. — Lao Tzu


Image and video hosting by TinyPic

Nagbrowse ako sa profile ni alam-ninyo-na-kung-sino. (sa FB) at ito ang aking nakita.

July 9

Life is a series of natural and spontaneous changes. Don’t resist them – that only creates sorrow. Let reality be reality. Let things flow naturally forward in whatever way they like. — Lao Tzu

Image and video hosting by TinyPic

Mas maliwanag naman sa sikat ng araw di ba? Tingnan ninyo po. July 9 ang nakalagay na petsa. Tumugma ba? :hmm:

#3 Isa pa uling nakalagay sa Chochalan Profile ni mbstr13 ay ito. Nakalagay ay 1 week, 1 day ago. Ang 1 week, 1 day ago ay July 8 sa kalendaryo.


Si mobstar ay kapupulutan ng kasalanan kaya ito ang life quote nya:
1 week, 1 day ago
Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one’s definition of your life; define yourself. — Harvey Fierstein

Image and video hosting by TinyPic

Ito naman ang nakita ko sa profile ni alam-ninyo-na-kung-sino.


July 8

Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one’s definition of your life; define yourself. — Harvey Fierstein

Image and video hosting by TinyPic


Magkapareho ang petsa ng pagposte ni mobstar at ni alam-ninyo-na-kung-sino. July 8. :hmm:

#4 Isa pong patunay na magpahanggang ngayon ay nag-iispiya o sumisilip at bumubuntot si alam-ninyo-na-kung-sino sa mga poste ko.

July 7. I posted something about my brother's condition, yung stuttering. Alam ko may mga nakabasa nun dito. I even mentioned si Harrison Craig sa post ko.

Here is the link: http://tristancafe.com/forum/246690

Then ito naman ang nakita ko sa wall post ni alam-ninyo-na-kung-sino, dated July 7.

Harrison craig - despite of his condition, God gave him a beautiful gift surely he would use for purposed

Image and video hosting by TinyPic

#5 Inobserbahan ko rin kung paano niya isulat yung pangalan ng tristancafe sa mga post niya. Ganito... TKAP


Image and video hosting by TinyPic

Image and video hosting by TinyPic

#6 Matagal ko nang ikinonsulta ito sa isang taga-tcaf dahil nga may pagdududa ako kung si mobstar at si alam-ninyo-na-kung-sino ay iisa. Ano po sa palagay ninyo? Noong June pa itong screenshot na ito.

HIS WECHATID: mobstar13 vs. TRISTANCAFE SN: mbstr13

Coincidence o siya talaga yun? :shrug:

Image and video hosting by TinyPic

#7 IKAW NAMAN, NA REMEMBER MO PA BA ITO? ITO YUNG KINUHANAN KONG SPACE SHUTTLE SA ENCHANTED KINGDOM. :naughty:

Image and video hosting by TinyPic

Tapos ang caption niyan sa baba ganito...

Image and video hosting by TinyPic

If only camera lenses could register what the eyes could see, we probably would have produced the best pictures ever.

_just a thought.

Tandang-tanda ko yan kasi galing sa utak ko yung thought diyan. Pinost ko pa nga yan dito sa tristancafe. Ito yung link. http://tristancafe.com/forum/234838

E bakit kailangan kinokopya mo? Nung July 4 pinost mo yan sa wall mo sa FB.. :hmm:

Image and video hosting by TinyPic

If only camera lenses could register what the eyes could see, we probably would have produced the best pictures ever.

_thought to keep



KILALA KITA. ALAM KO YUNG BOSES MO. NOONG UNANG BESES NA MARINIG KO YUNG BOSES NI "MOBSTAR" SA PHONE, ALAM KONG IKAW YUN... PERO ILAN BESES MONG TINANGGI. KASO BOY, HINDI MO AKO MALOLOKO. :im-watching-u:



NGAYON ANG CONCERN KO, KANINO MO KAYA NINAKAW ITONG PICTURE NA ITO? :esep:

Image and video hosting by TinyPic

PAREHO SIGURO NUNG PAGNANAKAW NA GINAWA MO SA PICTURE NG ISANG NAGNGANGALANG GHIE RUBIO. Hindi ba nagpanggap ka ring si GHIE RUBIO noon? WAG KA TUMANGGI. SINUNGALING KA! :lol:

P.S.

 Nag browse ako sa FB ni Ghie Rubio. Friend niya si Zera.


:tindi:

Wednesday, April 3, 2013

I Have Three Names

Nagpunta ako sa Tronix noong Lunes sa SM Southmall, April 1, kasi kailangan kong makapag-papicture dahil requirement yun sa pagpaparenew ko ng lisensya.

Passport Sized ID, 6 pieces, 60 pesos

Mabilis lang yung serbisyo kasi maaga akong dumating at kakaunti pa lang yung customers.

Nagbayad ako ng 100 pesos. Hindi ako agad nasuklian. Ang sabi mamaya na lang daw ibibigay. Umupo ako at naghintay. Tinawag na yung pangalan ko at pinapunta ako sa Studio 1.

MISS: White background po ba?

ANYD: A oo. (Kahit hindi ko alam kung ano ang background dahil hindi naman yun nakalagay sa website ng PRC. Basta ang sabi, Passport ID)

MISS: Para saan po ang Passport ID ninyo, sa passport po ba?

ANYD: A hindi. Sa PRC. Requirement kasi.

MISS: Ano po ba kayo, nurse? teacher?

ANYD: Teacher.

MISS: Ay ma'am, kung sa PRC po, dapat po may name tag.

ANYD: Kahit renewal lang? Wala kasing nakalagay dun sa website ng PRC.

MISS: Opo, kailangan po yun kasi ganun din po yung pinapagawa ng mga nagpapapicture po rito. Mahirap na po, baka ireject yung picture ninyo.

ANYD: Puwede bang kalahati meron, tapos kalahati wala? :p

MISS: Ay ma'am hindi po pwede e. :)

ANYD: A sige, palagyan na lang ng name tag.

 MISS: Sige po, pakisulat na lang po ng pangalan ninyo mamaya.

*KUHA NG PICTURE, TWO SHOTS*

MISS: Ma'am pili po kayo rito. Ito po bang una o yung pangalawa?

ANYD: *Tingin sa pictures* Kahit ano na lang diyan.

Wala namang pinagkaiba yung mga litrato. Hindi naman kasi ako gumalaw. Wahaha!

MISS: Sige po ma'am. Yung una na lang po. Pakisulat na lang po yung full name ninyo rito.

ANYD: *Sulat ng full name sa resibo* 10 minutes lang ba iyan?

MISS: 10 to 15 minutes po ma'am.

ANYD: Sige, thank you. :)

*WHILE WAITING...

Ilang minuto rin yung hinintay ko. Hindi ko na inorasan. Haha! Hanggang sa... Nakikita ko na yung picture ko na ginugupit nung isang miss na nasa counter. Mukhang bagong dating yung babae. Pagkatapos, yung miss nagtawag while holding a paper na pinaglagyan ng pictures ko.

MISS SA COUNTER: Ma'am Marie! Ma'am Marie!

ANYD: *Sa isip* What the?! Bakit ako tinatawag na "Marie" nito?

Marie is my third name. Sa tinagal kong nabuhay sa mundong ito, walang tumatawag sa akin ng ganun. Nahirapan siguro siyang ipronounce yung first two names ko. Nilapitan ko ang miss.

MISS SA COUNTER: Ito na po ang picture ninyo. :)

ANYD: *Kuha ng picture* Ay miss may sukli pa po ako.

MISS SA COUNTER: *Kinalabit ang kasama* May sukli pa raw si Ma'am Marie.

Hanggang sa... Naibigay na ang sukli ko. Sinilip ko ang picture.

ANYD: *Sa isip* Bakit ang puti ko rito? (Wahaha!)

At paglabas ko sa Tronix, naalibadbaran ako... Sa pagtawag sa akin ng Ma'am Marie. Wahaha!

Sa Mata ng Isang... Di ko alam kung Writer








Ang laki naman ng smile ko nang mapadaan ako sa tristancafe forum kani-kanina lang.

Nagbukas ako ng isang post doon sa Poetry and Short Stories, and to my surprise, nakita ko yung sinulat ng isang “budding writer”.

“Nainspire po kasi ako ni anyd yung author ng Papatayin Kita!* kaya I've tried doing my own story...
Basahin niyo po ahh... This would be my first time tulungan niyo po akong i-improve yung story by suggesting what would happen next... THANKS....”

*(Papatayin Kita… Mamaya! yung complete title.)

2006 nang sumali ako sa tambayan na yun. 2007 nang magsimula akong mag-post ng story ko na hindi ko alam kung papatok ba o lalangawin lang. Sa kabutihang palad, pumatok naman kaya ginanahan ako. Maraming tumulong sa akin para mag-improve (kahit papaano). Hindi ko makalilimutan si Kuya Jet (jetstream) na isa sa mga pumuna at nagturo sa akin kung paano ayusin ang paraan ng pagsusulat ko. Masaya at makulay ang Poetry and Short Stories ng tristancafe (Poetry and Fiction pa noon) pero sa paglipas ng panahon ay nawala isa-isa ang mga manunulat na nagbibigay-buhay sa website na iyon. Yung iba nauna sa akin. Yung iba kasabayan ko. Yung iba, ibang henerasyon na at di ko na gaanong kilala. Nag-po-post pa rin ako doon pag may oras ako. Nag-po-post ako kahit na yung libong views noon ay naging daan na lang ngayon. Yung daang comments noon ay swerte na lang kung aabot pa ng sampu ngayon.

Nagsusulat ako ng mga tula noong nasa Elementary ako. Nagsimula akong gumawa ng kuwento noong nasa High School ako. Gumawa ako ng mas mahabang kuwento noong tumungtong ako ng College. Estudyante pa lang ako noon. Marami akong nasa isip. Halos nadadagdagan araw-araw. Sa dami ng naiisip ko, dumami na rin yung kuwentong inumpisahan ko pero di ko natapos.

Gumawa ako ng blog nang pansamantalang mawala ang tristancafe. Existing pa rin yun hanggang ngayon, pero hindi ko na nalalagyan ng laman. Mahirap din kasi. Nagtatrabaho na ako, nag-aaral uli, at nagsusulat din. Nag-register ako sa wattpad, pero tamad akong bumisita. Napadpad ako sa Stories of Your Life dahil may nangyari in the past. Isang taon na rin pala akong tambay sa FB page na yun. Sobrang laking tulong talaga ng mga sites na nabanggit ko.

Ano ba ang napapala ko rito? Hindi naman ako kumikita. Kahit na maraming beses ninais ko na sana napagkakakitaan ko itong pagsusulat na ito para makatulong man lang ako sa pag-aaral ng mga kapatid ko, pambayad ng tuition ko, o sa pangangailangan ng pamilya ko.

Hindi ako sumubok na magpasa sa publisher o gawing pangkabuhayan ito, ni hindi ako sumasali sa school paper kasi wala namang akong kumpyansa o walang pagkakataon o wala naman talaga sa isip ko. Hindi naman kasi ako professional writer. Nangangarap lang ako. At yun siguro yun yung napapala ko. Yung natutupad ko yung pangarap ko. Ang gusto ko lang naman ay makapagsulat nang walang limitasyon, walang hinahabol na deadline, walang pressure, at yung may magbasa nung gawa ko. Yun lang! Yung pangarap na may mapulot man lang yung mga nagbabasa sa sinulat ko na minsan hindi ko rin mapaniwalaang naisulat ko pag sinusubukan kong basahin uli yung mga sinulat ko. Yung maalala man lang nila yung pamagat, o yung pangalan ng tauhan at ilang bahagi ng kuwento. Yun lang naman.

At ito nga siguro yung dahilan kung bakit nagsusulat pa ako, kahit na yung iba ay pinanghinaan na ng loob. Kahit na sinasabi nilang wala naman daw kinikita sa pagsusulat, gaya ng pagsabi nilang hindi ko ikayayaman ang pagiging isang guro. Ito lang naman siguro yung dahilan… Yung maka-inspire ka ng tao para magsulat din sila, makapagpasaya sa pamamagitan ng pagbabasa, madala mo sila pansamantala sa mundong malayung-malayo sa mundong ginagalawan nila ngayon.

Maaari isa ka sa mga nakapagbasa ng (mga) sinulat ko. Isa ka sa mga natuwa, umiyak, nagalit, nainis, nabitin, at kung anu-ano pa. Kung isa ka man dun, maraming-maraming salamat dahil patuloy kang naniniwala sa kakayahan ko.

Maaaring nagbabasa ka lang ngayon. Maaring isa ka lang sa mga humahanga sa mga gawa nung paborito mong writer. Pero malay mo di ba, sa hinaharap, isa ka na sa mga sikat na manunulat sa Pilipinas. Kaya ikaw, huwag kang magsawang mangarap. Sulat lang nang sulat! ^_^

~anyD

04.03.13
12:57 a.m.

Friday, March 8, 2013

Walang Araw sa Gabi!


SA PILA, FLAG CEREMONY, THIRD YEAR wearing improper uniform...

ME: Bakit ganyan suot mo?

THIRD YEAR: Ma'am di po kasi natuyo yung PE Uniform ko.

ME: Bakit di mo pinatuyo? Pinatuyo mo sana sa electric fan o kaya sa apoy.

SECOND YEAR: *butts in* Haha! Sa apoy, sunog yun.

THIRD YEAR: E kasi ma'am wala na pong araw kagabi.

ME: Malamang wala na talagang araw kasi gabi na.

THIRD YEAR: *laughs, mukhang narealize niya kung ano ang sinabi niya*

SECOND YEAR: *tawang wagas*

_Nakakalurkey kausap ang high school! :)))

Ipapasa ang Sapatos?

SA CLASSROOM NG GRADE SEVEN...

GRADE SIX: *pumasok sa room* Ma'am checheckan nyo po ba yung books at notebooks?

ANYD: Hindi my dear, yung sapatos at medyas mo ang checheckin ko.

GRADE SIX: *laughs, lumabas*

SECOND YEAR: *pumasok sa classroom at nagpacheck ng requirements for clearance*

GRADE SIX: *pumasok uli dala ang libro*

SECOND YEAR: *palabas na ng room nang mapansin ng grade six*

GRADE SIX: Ma'am ipapasa po ba yung sapatos?

SECOND YEAR: *tawang wagas* Hahaha! Hindi no pumasok lang talaga ako rito nang naka-medyas!

_Ay ang dami kong tawa kanina. Ang grade six inosente de ti! :))

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly